United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapoua sapagca ang man~ga sangol ay aayao uminom noong polvos na yaon, ay gatas lamang ang ipaiinom sa canila, at houag big-yan nang ibang bagay na cacanin. Mayroon namang tauo, na pagca tinicdas na hindi mangyaring mauala sa caniya ang pag-uubong malaqui, na ualang inilulura, at saca ang dibdib, pati catauan ay totoong init; nauuhao siya naman, at tuyong tuyo ang balat, sampon nang dila.
Datapoua cun hindi nacuha sa man~ga ganoong paraan ang camandag nang saquit, at ang tinicdas hindi guinamot nang paanyo, ayon sa sasabihin sa párrafo 179, ang saquit ay sa baga napapatun~go; at cun ganoon magsasaoli ang pag-uubo, ang lagnat at ang di lumagay ang maysaquit. Itong pag-uubong ito,i, totoong nalalauon, at malacas lumaban sa man~ga gamot.
Salita Ng Araw