United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pinili ang lalong madidilim na palumpong, naglagos sa m~ga palikolikong landas, at pagkalapit sa may tinatalikuran n~g silid n~g mestisa, ay naghagis n~g tin~gin sa dakong itaas at tinangkang makilala sa siwang n~g sarisaring halamang gumugubat sa looban kung sinosino ang m~ga lalaking narinig niyang nagkakatuwa. N~guni't wala siyang nakilala isa man.

Nicandro sa pan~gun~gusap ni Martinez, at ang m~ga mata'y palihim na itinudla't saka binawi sa dalawa pang lalaking nasa isang mesitang di lubhang kalayuan sa kanila, Sa may tinatalikuran nati'y tila nauulinigan kong ang pinaguusapa'y dili iba't ang pinaguusapan din natin. ¿Ibig ba ninyong makimatyag?

Mabuti pa n~gang magpahipahin~ga muna tayo; n~galay na n~galay na ang m~ga binti ko sa malaong pagkakatayo. At magkapiling na nagsilikmo ang dalawa sa pook na yaong tinatalikuran n~g makapal na taong sa iisang dako nakaharap. ¿Nasa iyo n~ga ba n~gayon ang sulat ko? itinanong makasandali n~g babae. Nasa akin, ang pakli n~g lalaki. Mabuti pa kaya'y isauli mo na.... ¿Bakit?

At samantalang nagdaraan ang panahon sa gayong pagtitiis n~g di birobirong hirap, di nila napupuna ay untiunti silang napapalayo sa bun~gad n~g pintong kanilang kinatulusan, natatan~gay palibhasa n~g pabugsobugsong dating n~g m~ga tao. At ilang saglit pa rin ang lumipas bago nila natiyak na sila ay napapadpad pala sa isang gilid na malapit sa dingding na tinatalikuran n~g madla.

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap