United States or Guyana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinili ang lalong madidilim na palumpong, naglagos sa m~ga palikolikong landas, at pagkalapit sa may tinatalikuran n~g silid n~g mestisa, ay naghagis n~g tin~gin sa dakong itaas at tinangkang makilala sa siwang n~g sarisaring halamang gumugubat sa looban kung sinosino ang m~ga lalaking narinig niyang nagkakatuwa. N~guni't wala siyang nakilala isa man.
M~ga kasama: ang unang bati ni Mauro pagkalapit. ¿Saan ang inyong tun~go? Sa Pagawaan ang sagutan n~g marami. ¿Magbabalik kayo? ¿at bakit? ang may malaking panggigilalas na tanong pa ni Mauro. Pagka't wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan anang ilan pa rin. Kung gayon, m~ga kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo? Oó; ang sigawan n~g marami. M~ga kapatid: ¡Kayo ang masusunod!
At noon di'y namasdan nilang sila'y nilapita't kinikilala n~g tinurang negro . At pagkalapit sa kanila'y tumanong: What are you doin, here, hombre? Por que sigue conmigo ? Ang kutsero, sa kabiglaana't pagaakalang siya ang tinatanong, ay halos mautal sa pagsagot n~g: No gat, sinyor, no gat; mi bueno hombre....