United States or Ecuador ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hinawakan ni Kadiliman ang paraskó n~g hiniebra at lalantakan si Tenteng at sinabayan n~g wikang: naiingit ka yata. Hindi ako naiingít ang pailag na sagót ni Tenteng, kundi: ikaw na ang Presidente, ikaw pa ang Secretario at ikaw pa man din ang Tesorero, at kung dumating pa ang fiscal ibig mo pa manding pang Apôan, baligtad ang bituka mo.

Ulol na tawo ito, ang pahikayat na sabi ni Kadiliman. ¿Mayroon bang namuhunan na di nakinabang? pag ako'y naging Diputado, pag ako'y naging Concejal, pag ako'y naging Presidente, sa kanila ko din kukunin ang m~ga nagugol kong iyan, ¡siya ineng! iayos mo ang ating handa, malapit n~g dumating sila Bakokoy na ating kapanalig, ang pahimok na sabi ni Kadiliman; pumasok si Lolay sa kálanan upang ayusin ang pagpakaináng gagawin; siyang pagdating ni Bakokoy at Tenteng, dinatnan nila si Kadiliman sa gayong kalungkutan, n~g makita ni Bokokoy ang ayos n~g kanyang maestro na nakahilig, dahil sa sakit na taglay, nan~galigid sa kanyang namumugtong balintatáw n~g matá ang luha at sinabayan n~g sabing: Maestro kong mahal.

Ang Pagkikita Tenteng Kamagong at Bakokoy. Komparé! ang patawang bati ni Tenteng Kamagong kay Bakokoy. Mahal na Kamagong binabati kita n~g boong galang, tumun~go si Bakokoy na umiimbol ang tiyan, ¿Saan ang tun~go n~g kompare ko? Sa bahay n~g ating Apô-Apông si Kadiliman ang tugón ni Tenteng Ako man kompare ang lantak ni Bakokoy Bubulun~gan kita kompare; ang batikos ni Tenteng.

Hwag kang pahalata, ang pakli ni Tenteng; kaya't dingin mo't ipaliliwanag ko sa iyo kung ano ang Teatro.

Hindi mo ba tantong bawal sa alin mang kapisanang mapísan ang tatlong cargong iyan sa isang tawo? ¿Kung pumarito sa iyo ang fiscal general at hin~gan n~g cuenta ang secretario ikaw ba ang magpipirisintá n~g kasulatan? ¿Kung hin~gin sa iyo nang fiscal ang linaw kung magkanong naiipong kwalta n~g samahan sa m~ga ambagang ating nagawa? ¿Paanong gagawin mo? ang lanták ni Tenteng.

Si Kadiliman ay nakahampilas sa isáng Bar at waring malainibay, siyang pagdaan ni Tenteng Kamagong na nakabastipol tinawag ni Kadiliman at ganito ang bati. Halika n~ga Kamagong. ¿Ano ba Kadiliman tila nagdidilim ang pan~ganorin mo, ha? Hindi katalasan lamang ang pakli ni Kadiliman. ¿Bakit ba umalis ka't di mo tinapos ang pagdidimite ko n~g cargo?

Hindi ko maintindihan ang sinabi mo ang paismíd na sabi ni Bakokoy Tuligsain mo ang lantak ni Kamagong: N~g panahon n~g tinalikdang kastila ang Frayle ang hari-harian at m~ga fiscalillo ang Apó-Apó. Bien : ang batikos ni Bakokoy, nagulat si Tenteng Kamagong na nasabi tuloy na: Ahá ¿Biglá mo akong kinastila, ?

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap