United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hinawakan ni Kadiliman ang paraskó n~g hiniebra at lalantakan si Tenteng at sinabayan n~g wikang: naiingit ka yata. Hindi ako naiingít ang pailag na sagót ni Tenteng, kundi: ikaw na ang Presidente, ikaw pa ang Secretario at ikaw pa man din ang Tesorero, at kung dumating pa ang fiscal ibig mo pa manding pang Apôan, baligtad ang bituka mo.
Oh, tingnan na n~ga lamang ang asal n~g Bakokoy na itó ang pailág na wika ni Kamagong at sinundan n~g salitang: Bago ka magagalit, makapito kang iisip; bago ka matutuá, lilin~gon ka muna sa kana't kaliwâ. at bago ka magkakatiwala tumin~gala ka muna sa lan~git, lin~gonin mo ang iyong tinalikdan, malasin mo ang iyong hinaharap at tumun~gó ka sa lupa't n~g hindi ka magsisi sa huli.
Salita Ng Araw