United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mauilihin sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan, pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcapán nang tatlong Aba Guinoong Maria . Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang man~ga inocentes.
Salita Ng Araw