United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't di gaya n~g Dios n~g man~ga binyagan, cung sila'y may ganap na capangyarihan panahon na'y bakit hindi saclolohan. Caya ang laon nang ipinagsasabi na iyo, n~g aming Reynang si Clotilde, ay siyang sambahi't doon mamarati at siyang sa atin ay magcacandili.

Cun anong talaga niyong calan~gitan ay nang macaraang may ilan nang araw, na yaong Príncipeng bata'y mabinyagan ualang ano-ano nama'y nagcaramdam. Na paulit-ulit at di mapagaling caya n~ga't ang asa ay mamamatay rin, ang uica nang Hari sa Reynang butihin cundan~gan ayaw cang makinig sa akin.

Cahilin~gang yaon nang mahal na Reyna ay sinunod naman nang sintang asaua, sa dagling panaho'y nagpagaua siya ayon sa pagtupad nang pan~gaco niya. Hari palibhasa ang siyang may atas ang nan~gagsigaua'y daming dili hamac, caya't nayari rin namang ualang liuag ang Simbahang hiling nang Reynang marilag.

Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan n~guni at sa Reynang pinakiusapan, caya't sa pagsamong lubhang malumanay nang Reyna sa Hari, ay umayon naman. Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad noon din ang bata'y bininyagang agad, at Sigesmundo ang n~galang itinauag nang Rey sa Clotildeng loob na banayad.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap