United States or Côte d'Ivoire ? Vote for the TOP Country of the Week !


Man~ga pagsasama'y lubhang mahinusay at nagsusunuran silang malumanay, pan~gaco ni Clovis ay guinagampanang sa sampalataya'y di makikialam. Cay Clotilde namang laguing hinihiling sa Dios, cung siya ay nananalan~gin, na ang calooban ay paliuanaguin nang asaua't iuan yaong pagcahintil.

Na di iba't yaong Infanta Clotilde na ang ganda't hinhin ay cauili-uili, ualang capintasang sucat pang masabi ang hirang na dilag sa pagca-babae. Caya n~ga't sa pagcatahang tatlong araw sa palacio niyong embajadang tanan, ay hindi mangyari nilang pagsauaan ang sa cay Clotildeng tan~ging carikitan.

Manga maguiliuing puso sa pagbasa nang catotohanang hanay nang historia, dito'y lubos ninyong mapag-kikilala ang cay Clodoveong buhay na talaga. Niyong unang siya ay di pa cristiano ay Clovis ang tauag sa pangalang moro, nang binyagan siya'y naguing Clodoveo at Reyna Clotilde ang asaua nito.

Yaong unang bun~ga nitong aking tiyan caya n~ga hindi co ikinalulumbay, at tunay na aco'y di macasusuay sa balang caniyang maguing calooban. Malibang panahon ay muling nagbuntis ang Reyna Clotilde sa aua nang lan~git, n~guni't lalaki rin yaong sa pag-ibig nila'y naguing bun~ga na aliw nang dibdib.

Dahil sa balitang Infanta Clotilde na taga Borgoñang hirang na babae, ay siya cong nasang maca-isang casi caya isipin mong paraang mabuti. Ito n~ga ang sanhing di co icaidlip sa araw at gabi di icatahimic, huag mong payagan di camtan nang dibdib yaong si Clotildeng pinaca-iibig.

Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't di gaya n~g Dios n~g man~ga binyagan, cung sila'y may ganap na capangyarihan panahon na'y bakit hindi saclolohan. Caya ang laon nang ipinagsasabi na iyo, n~g aming Reynang si Clotilde, ay siyang sambahi't doon mamarati at siyang sa atin ay magcacandili.

Caya't nang dumating ang bunying Infanta na may dalang supot na pang limos, baga, nang casalucuyang namamahagui na nakihanay naman ang Conde pagdaca. At noong siya na ang linilimusan ay agad humalic sa Infantang camay, cay Clotilde namang nahalatang tunay na hindi pulubi siya't taong mahal.

Hari co aniyang macapangyarihan aco'y mayroon nang maguiguing dahilan, pagca't sa veinte cinco nitong buan nang Diciembre, Pascua nang man~ga binyagan. May ugali yaong Infanta Clotilde na maglimos siya sa man~ga pulubi, yaon n~ga ang siyang panahong mabuti na ang ating nasa'y malapit mangyari.

Maguing isang hiyas n~g Reyno n~g Francia Infanta Clotilde ang kilanling Reyna, sa Hari't saca sa tanang sacop niya ay isang dakilang turing na ligaya. Ang sagot nang piling man~ga embajada icáw po ay huag na mag-ala-ala, cung tungcôl sa gauang pagsampalataya ay di mangyayaring sisirain niya.