United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang m~ga anak lamang sa tunay na asawa ang nakapagmamana n~g katungkulan n~g magulang, ano pa't kung pan~gulo sa isang balan~gay ang magulang at mamatay ay ang pan~ganay sa m~ga lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pan~galawa; n~guni't kung walang anak na lalaki ay m~ga anák na babae ang humahalili n~g papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang pínanununtunan n~g m~ga anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at ibp.

Ang dahil n~g pagkakaganito ay mababasa sa pangkat n~g kaugaliang pinanununtunan sa m~ga kapaslan~gan at sigalutan. TALABABA: Ang ganitong ayos n~g pagkakahiwáhiwalay n~g pámunuan dito ay minagaling ni Rizal.

Palibhasa't ang m~ga Tagarito ay nan~gamamayan at may m~ga tatag na pamahalaan ó balan~gay ay may m~ga hukom at tuntunin ring pinanununtunan. Itong m~ga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balan~gay ay pawang alinsunod sa kanilang m~ga alamat at kaugaliang kinagisnan na di binabago at mahigpit nilang tinatalima.

TALABABA: Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa pinakaiin~gatan n~g m~ga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at iba pa. =Ikaanim na Pangkat.= =Kaugaliang pinanununtunan sa m~ga Kapaslan~gan at Sigalutan.=

Basahin ang Kaugalian Pinanununtunan sa kapasla~gan at Sigalutan. Lalong mabuti, ani Rizal, na lalaki ang manungkol n~g pagkakaloob n~g bigay-kaya kay sa babae, dahil na sa ganitong paraan, ay hindi nagkakalalayo ang magmamagulang, samantalang sa Europa, kung magkaasawa ang lalaki n~g mayaman at magkasalapi ay nagkakalalayo na.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap