United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagtútucâ ang carabinero sa Malapad-na-bató, at n~g makitang waláng lamán ang bangcâ, at waláng anó mang idinudulot na sucat niyáng másamsam, ayon sa dating caugaliang pinaglamnán na n~g calahatlahatang m~ga carabinero at n~g m~ga carabinerong nan~garoroon, pinabayaan siláng macaraan agád. Hindi rin naman nagsasapantaha n~g anó man ang guardia civil sa Pasig, caya't hindi silá binagabag.
Tingnán ninyó; ang lupaing ito'y isáng catawáng may dinaramdam na isáng sakít na pinaglamnán na, at n~g mapagalíng ang catawáng iyá'y napipilitan ang pamahalaang gumamit n~g m~ga paraang tunay n~ga't masasabi ninyóng napacatitigas at napacababan~gis, datapuwa't pinakikinaban~ga't kinacailan~gan.