United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nanatili silá sa hindi pag-imíc hanggáng sa dumating sa Malapad-na-bató. Ang nacapamangcâ cung gabi sa Pasig, minsan man lamang, sa isá riyán sa m~ga caayaayang gabíng handóg n~g Filipinas, pagca nagsasabog ang buwan, mulâ sa dalisay na bugháw, n~g malungcót na pagpapaalaala; pagca itinatagò n~g dilím ang caimbihán n~g m~ga tao at kinúcublihan n~g catahimican ang abáng alin~gawn~gaw n~g caniláng tinig; pagca ang Naturaleza ang tan~ging nagsasalit
Nagtútucâ ang carabinero sa Malapad-na-bató, at n~g makitang waláng lamán ang bangcâ, at waláng anó mang idinudulot na sucat niyáng másamsam, ayon sa dating caugaliang pinaglamnán na n~g calahatlahatang m~ga carabinero at n~g m~ga carabinerong nan~garoroon, pinabayaan siláng macaraan agád. Hindi rin naman nagsasapantaha n~g anó man ang guardia civil sa Pasig, caya't hindi silá binagabag.
Salita Ng Araw