United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Para na n~ga ninyong awa, doktor! ... pasamong tugon n~g babae na di man tumutol sa pagkasabing "asawa" niya ang lalaking may sugat. ¡Sasama po ako...! ang dugtong pa. ¿Kayo po ba'y nagtamo rin n~g m~ga kapinsalaan? Tila po hindi; n~guni't ang tanang inyong magagawa ay lubos na sana sa pagliligtas sa buhay n~g ... asawa ko. Opo; ako ang bahala. ¿Maliligtas po kaya? Tingnan natin ... Tayna.
Gawan mo sana n~g paraan na maibalita agad sa akin ang itatakda mong araw, hane, ang pasamong bilin pa ni Tirso. Hamo't kung hindi kita mapadalhan n~g kahi't isang postal ay tatawagan kita sa telepono, matibay namang pan~gako ni Elsa. ¿Hanggang kailan ang ipaghihintay ko? Hanggang sa bago dumating ang m~ga araw n~g karnabal. Maghihintay ako, kung gayon.