United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ikaw n~ga lamang ang hinihintay namin. Kayo na sana ang bahalang magpaparaya sa akin, hane. Wala kang sukat ipagalaala. At ilang saglit pa't tinun~go na n~g tatlo ang dakong pinto n~g maluwang na "Auditorium". Pagkatapos n~g karnabal ay wala nang agamagam na sukat malabi kay Elsa upang huwag malubos ang kanyang kaligayahan.
Gawan mo sana n~g paraan na maibalita agad sa akin ang itatakda mong araw, hane, ang pasamong bilin pa ni Tirso. Hamo't kung hindi kita mapadalhan n~g kahi't isang postal ay tatawagan kita sa telepono, matibay namang pan~gako ni Elsa. ¿Hanggang kailan ang ipaghihintay ko? Hanggang sa bago dumating ang m~ga araw n~g karnabal. Maghihintay ako, kung gayon.
Lumabas ka na't baka maiwan ka n~g m~ga escolarina mo, paaglahing wika ni Elsa. ¡Talagang mabuti kang manunukso, hane! pan~giting salo n~g makata. Ako'y hindi nanunukso, ang tanggi n~g mestisa, ipinagugunita ko lamang sa iyo ang isa mong balak na kapay naurong ay sayang. ¡Anhin ko ba kung maurong man! ¡Huwag lamang bang malayo ako sa piling n~g aking pinakatatan~ging mutya, eh...!