United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mabuti'y makipagkita ako sa kanya, at sa harapang paguusap nami'y saka ko siya tutugunin n~g nararapat, ang tapos ni Tirso sa kanyang magulong pagninilay. Makailang saglit ay may tumawag kay Tirso, at ipinagbigay alam na sa telepono n~g botikang nasa silong n~g gusaling kanyang tinitirha'y mayroong naghinintay na ibig makipagusap sa kanya. Nagdudumali siyang nanaog.

Sa m~ga siyudad, ang m~ga "parrarayos" ó "tigilanglintik" ay nakakapan~gilag sa marami upang huag tamaan n~g lintik at malayo sa kasakunaan. N~guni't lalong mabuti ang m~ga nakasira sa m~ga bahay na bato ang sila'y lumagi sa silong n~g bahay samantalang kumukulog, ipinid ang m~ga bintana ó patangwa huag gagamit n~g telepono, huag lalapit sa m~ga kawad n~g dagitab, sa simenes ó palabasan n~g usok.

Gawan mo sana n~g paraan na maibalita agad sa akin ang itatakda mong araw, hane, ang pasamong bilin pa ni Tirso. Hamo't kung hindi kita mapadalhan n~g kahi't isang postal ay tatawagan kita sa telepono, matibay namang pan~gako ni Elsa. ¿Hanggang kailan ang ipaghihintay ko? Hanggang sa bago dumating ang m~ga araw n~g karnabal. Maghihintay ako, kung gayon.

Datapwa't ¿paanong ang gayo'y maisasangguni niya kay Elsa ay sa matagaltagal nang ito'y hindi man lamang lumiliham ni tumatawag sa kanya? Kung may telepono man lamang sana sa bahay nina Elsa, disi'y nan~gahas nang magpaunang tumawag si Tirso. Subali't sa kasamaang sukat ay wala n~ga, ¿paano ang kanyang gagawin? Samantala'y nalalapit na untiunti ang m~ga araw na ipagdiriwang kay Momo.