United States or Albania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang cucó houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba cayang pinaca matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendición muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios.

Si Urbana cay Feliza . MANILA.... FELIZA: Cun si Honesto,i, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,i, sa iyo,t, sa caniya,i, ná-uucol naman. Cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,t, cun may ibang casama.

Pag aco,i, umupó sa tabi nang panahian, dumampót nang cayo-gumamit nang carayom, at magbuó nang damit, ó humarap caya sa calán, magtiis nang init nang apóy sa pan~gun~gusina, ó aco caya,i, mag linis sa pamamahay, ang sinusunód co,i, yaong magandá mong hatol na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang matá hangang sa ipiquit ay ualang catapusán, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggauá toui na, sa pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang catamara,i, isang capintasan.

Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbót na siya,i, gantihin sa ipinautang na loob. Cun may gumauá nang magaling sa caniya ay pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan, sapagca,t, isang capalamarahán, isang casiraan nang puri, ang di cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap