United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun dumalao sa patáy ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang namatayán, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis. Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbáy at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay sa sáquit. Ilagan ang main~gay na pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang layon.

Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbót na siya,i, gantihin sa ipinautang na loob. Cun may gumauá nang magaling sa caniya ay pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan, sapagca,t, isang capalamarahán, isang casiraan nang puri, ang di cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.

Cun ang bata ó baguntauo, ay nagpapacial na casama,i, capoua binata, ay iilagan ang masamang ugali, na nagyayacapan, cun minsan nagaauitan ó naghihiyauan parang ulól, ó nagaaglahian nang mahalay, sapagca nagpapahayag na ualang pinagaralang bait.

Alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at houag namang mahuli. Feliza, si Honesto palibhasa,i, bata, hindi malayo na sa paquiquipagcapoua tauo, ay magpaquita nang capusucán nang loob; cun macarinig nang uicang di dapat, cun magcabihira,i, di macapagpaparaan, caya pan~gun~gusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap