United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan ó capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magandá, ay gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang canilang gauá, ó magsaysay nang canilang abilidad ó carunun~gan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang nasa.

Ang bumigcás nang salita na malayo sa pinaguusapan, ay nagaanyayang tauanan; caya ang tauo,i, maquiquibagay sa caniyang capoua, at ang caniyang gaua, quilos at pan~gun~gusap, ay pagbabagaybagayin at nang huag matauanan.

Cun dumalao sa patáy ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang namatayán, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis. Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbáy at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay sa sáquit. Ilagan ang main~gay na pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang layon.

Sa bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán. At ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít. At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap