United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ito,i, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at gayon ang bilin sa santong sulat . Sapagca,t, sa isang babaye, nangagaling ang masamá ó magandang capalaran nang pamamahay. Houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag-iisa ó utusan caya sa oras na di catampatan, ó magpacial caya nang ualang casama, at nang di pagcaraanan nang capahamacan.
Si Urbana cay Feliza . MANILA.... FELIZA: Cun si Honesto,i, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,i, sa iyo,t, sa caniya,i, ná-uucol naman. Cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,t, cun may ibang casama.