United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkakitang walang kapote at nangakalitaw ang mga kamay, walang imik at wari nahihiya, ay kumaba ang loob ng abang asawa. Iniinom nga ang kuwarta. Nakipaglasingan sa isang hampas-lupa at ngayo'y dala rine. Wala na kami kundi ito lamang. Pinabayaan niyang magtuloy sila at kanyang sinundan na di umiimik.
¿Sino iyon? ang painong tanong n~g manang na di nagkaroon n~g katugunan. ¡Tia Basilia! ang ulit pa n~g nasa lupa. At ang matandang maybahay ay dumun~gaw sa isang bintanang makipot ang pagkakabukas. ¡Ikaw pala! ang nawika pagkakitang kapatid ni Elsa ang dumarating, saka maliksing humudyat sa pamangking babae n~g hudyat na nawatasan naman agad n~g mestisa.
Ang hindi niya pagkakitang yaon kay Leoning ay walang ano man. Isang pagkakataon lamang na di dapat ikalungkot ng kanyang damdamin. Ano nga naman kung siya ay di nakita? Kaya ginawa niya nang nasa may pintuan na ng tahanan nina Leoning, ay marahang siya sa kanyang paghakbang.