United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
=Katungkulan n~g m~ga kampon sa isang balangay.= Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad n~g buis, n~guni't napatutulong n~g pangulo sa kanyang m~ga kailan~gan, gaya sa pagtatayô n~g kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal n~g kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis n~g m~ga kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.
Ang m~ga ito'y napasa sa ibang bayang kasundo nila na habang namamangka ay inaawit ang kanilang m~ga katapan~gan, ang kanilang m~ga nabihag at napatay sa digma na itinutugma sa paggaod; at pagdating sa bayang pinaroroonan ay nakikipagsayaha't nakikipag-lasin~gan doon at kung gayon ay inaalis ang kanilang m~ga balabal na puti at ang kanilang m~ga suot na yantok sa bisig at n~galan~gala saka kumakain n~g kanin at nagsusuot uli n~g m~ga hiyas .