United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang katolona, kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo n~g inikid na bulaclác, nagsusuót n~g canyang m~ga hiyás, nagdadalá n~g canyang m~ga gamit na casangcapang lalagyán n~g alác at canin at sa harap n~g isang baboy na buháy at nang m~ga pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalan~gin sa anito ó diwata na kanilang pinapan~ginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakít ay mamamatay ó hindi.
Ang m~ga ito'y napasa sa ibang bayang kasundo nila na habang namamangka ay inaawit ang kanilang m~ga katapan~gan, ang kanilang m~ga nabihag at napatay sa digma na itinutugma sa paggaod; at pagdating sa bayang pinaroroonan ay nakikipagsayaha't nakikipag-lasin~gan doon at kung gayon ay inaalis ang kanilang m~ga balabal na puti at ang kanilang m~ga suot na yantok sa bisig at n~galan~gala saka kumakain n~g kanin at nagsusuot uli n~g m~ga hiyas .
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap