United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Habang nagsasalita nang ganito ang aming mahal na Padre Cura, ay uma-agos ang luha sa mata ni Felicitas, caya inosisa nang Cura sa caniya ang bagay at dahilan nang caniyang pag-iiyac, at ang sagot ni Felicitas ay ganoon: Paano, , hindi aco iiyac, at iyang din, póng sinasalita ninyo, ay siyang cumacalicot na palagui sa loob co?

Hindi co masaysay nang maigui ang dahilan nitong aquing pag-iiyac, subali,t, tila aco,i, nagcagayon, sapagca,t, ang sapantaha co sa aquing loob na mag-isa, ay icao,i, iba na ñgayon sa dati.... At acala co,i, may catotoohanan itong aquing sinasapantaha, palibhasa,i, ang hinuhugot cong lamán sa sulat mo, ay maraming bagay-bagay ang minamasama mo ñgayon, na dati-dati ay minamaigui mo, at balictad, marami ang minamaigui mo ñgayon, na dati-dati ay hindi minamagaling mo.

Dinampot nang Cura ang naturang sulat, binuclat niya,t, binasa, at capagcaraca,i, naquita niya ang mabisang camandag na nagtatago sa ilalim nang mañga salita ni Próspero sa caniyang sulat; at tuloy nag-uica cay Felicitas nang ganito: Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at sinabi co na sa iyo, na, uala cang ibang masasapit diyan sa pag-iiyac mo, cundi isang mabigat na saquit.

Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at uala cang ibang macacamtan sa pag-iiyac, cundi saquit lamang nang catauoan. Ipanalañgin mo si Próspero sa Pañginoon Dios, nang siya,i, amponin at iligtas sa dilang masasama.... Siya, , ang aquing guinagauang parati: datapoua,t, ibig co pong maalaman sa inyo, cung ano cayang mabuting isagot co cay Próspero diyan sa caniyang sulat.

Talastas co ñga, na ang lagay nang capatid mo,i, sucat icasindac at icaiyac mo, sapagca,t, masamang totoo ang caniyang tayo. Subali,t, pacacatantoiun mo naman, na ang gamot na quinacailañgan ni Próspero, ay hindi mo macucuha sa pag-iiyac.

Nagulat ang aming Cura, at agad-agad inusisa niya cay Pili ang bagay at dahilan nang caniyang pag-iiyac at pagsigao; at sa di macasagot at macapañgusap itong si Felicitas, gaua nang pananaghoy, na ga nacahahalang at nacasasara nang caniyang lalamunan, ay iniabut niya sa Cura ang sulat ni Próspero, na taglay niya.