United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pan~galan nang ibang man~ga tauo sa saquit na ito,i, miserere, n~guni hindi ito ang miserere, cundi yaong isang saquit na sinaysay co sa capítulo 61, na sinundan nito. Ang inaanayo, ay nagsusuca,t, nag-iilaguin nang malacas. Ang maysaquit ay natatamlay muna; sungmasaquit nang caunti ang caniyang tiyan; sungmusunod dito ang pagsuca, at ang pag-iilaguin.
Datapoua,t, cun dahil sa capabayaan cun sa cabiglaan caya, ay sumama ang saquit, na ang maysaquit ay nagsusuca,t, nag-iilaguin, at marahil pinupulicat at nanglalamig na totoo, na pati nang pauis ay malamig, ang gagauin ay gayon: yaong am nang linugao ga calahating vaso carami ay siyang isusumpit agad sa maysaquit, at cun may láudano, ang ualo cun sampuong patac noon ay ihahalo sa isusumpit; cun ang unang sumpit ay hindi napiguil sa loob, dalauang oras man lamang, ay uulitin nang uuliting isusumpit yaon ding am hangan sa mapiguil na malauon ang isang isinumpit, at tumiguil ang pag-iilaguin.