United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang binata'y tulíg, hibáng, ay binubucsá't sinasarhan ang m~ga cajón, nagliligpit n~g m~ga papel, dalidaling binabasa ang m~ga sulat, pinupunit ang m~ga ibá, ang m~ga ibá namá'y itinatagò, dumárampot n~g m~ga aclát, binubucsan ang m~ga dahon at ibá pa.
Sa m~ga únang sínag n~g liwánag na pumupucaw sa túbig nang m~ga nagkintábkintáb na m~ga lamáng-dágat, naaaninagnagán sa maláyò, hálos sa wacás n~g abót n~g tanáw, ang abó-abóng m~ga aníno: yaó'y ang m~ga bangcâ n~g m~ga mán~gin~gisdang naglíligpit n~g caniláng lambát; m~ga cascó at m~ga paráw na nan~gagláladlad n~g caniláng m~ga láyag.
¡Tayo na, umalís tayo rito! ang inúlit n~g sundalo na nagtataguctucan ang n~gipin sa tacot. ¿Anó ang nakita mo? ¡Isáng fantasma! ang ibinulóng na nan~gán~gatal ang boong catawán. ¿Isáng fantasma? ¡Sa ibabaw n~g bubun~gan ... marahil siyá ang monja na naglíligpit n~g m~ga bága sa boong gabi! Tumin~galâ ang distinguido at ibig niyáng makita. ¡Jesús! ang bigláng sinabi at siyá nama'y nagcruz.