United States or Taiwan ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang binata'y tulíg, hibáng, ay binubucsá't sinasarhan ang m~ga cajón, nagliligpit n~g m~ga papel, dalidaling binabasa ang m~ga sulat, pinupunit ang m~ga ibá, ang m~ga ibá namá'y itinatagò, dumárampot n~g m~ga aclát, binubucsan ang m~ga dahon at ibá pa.
Sa paliguid n~g patio n~g simbaha'y naroon ang malaking toldang pinagcagugúlan n~g mainam, na m~ga punò n~g cawayan ang m~ga túcod, at n~g doon magdáan ang procesion. Sa ilalim n~g toldang ito'y nan~gaglalaró ang m~ga báta, nan~gagtatacbuhan, nan~gag-aacayatan, nan~gaglulucsuhan at caniláng pinupunit ang m~ga bagong barong talagáng caniláng pagbibihisan sa caarawan n~g fiesta.