United States or Åland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mulíng cumináng ang isáng kidlát na nacasisilaw ang tindí. ¡Hindi, hindi fantasma! ang bigláng sinabi n~g distinguido ; mulí pang nakita co siyá; casinggandá n~g Virgen ... ¡Umalís na tayo rito't magbigáy álam tayo! Hindi na hinintay n~g sundalong ulitin pa ang pagyacag sa canyá't nan~gagsialís ang dalawá.
¡Tayo na, umalís tayo rito! ang inúlit n~g sundalo na nagtataguctucan ang n~gipin sa tacot. ¿Anó ang nakita mo? ¡Isáng fantasma! ang ibinulóng na nan~gán~gatal ang boong catawán. ¿Isáng fantasma? ¡Sa ibabaw n~g bubun~gan ... marahil siyá ang monja na naglíligpit n~g m~ga bága sa boong gabi! Tumin~galâ ang distinguido at ibig niyáng makita. ¡Jesús! ang bigláng sinabi at siyá nama'y nagcruz.
Dalawang guardia ang sumisilong sa isáng bagong guinagawang bahay sa malapit sa convento: isáng sundalo't isáng distinguido . ¿Anó ang atang guinágawâ rito? ang sabi n~g sundalo; sino ma'y waláng lumalacad sa daan ... dapat tayong pumaroon sa isáng bahay; tumatahan ang babae co sa daang Arzobispo. Malayolayô rin buhat dito hanggáng doon at mababasâ tayo, ang sagót n~g distinguido .