United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Alamin mo Leoning na sa mga ganitong sandali lamang natin matutungga ang ganitong sarong ginto ng katamisan ng pagibig, sa mga sandaling ito lamang ang kaligayahan ng ating puso ... Oo, Leoning ko, malasin natin ang buwang iyan, iyang mga bituing nagkislapkislap at ang kabutihang panahong iyang idinudulot ng katalagahan na ang ganyan ay siya nating saksi ... Oo, Leoning.
Kasalukuyan noong idinaraos ang masiglang sayawan sa maaliwalas na auditorium ng karnabal sa Maynila. Sa sayawang yaon ay waring walang mababakas na ano mang kalungkutan sa bawa't mga naroroong mga nagsisipagsayaw. Waring ang mga puso ay naghehele sa katamisan ng kaligayahan sa kandungan yaong naging isang langitlangitan dito sa lupa na puno ng maraming mga bituing nagkislapkislap.
Ang mga batis ay waring tahimik din na walang ibang masisinag kundi ang mga tila ba gintong nagkislapkislap o mga perlas kung mamalasin ang malinaw na tubig na natatamaan ng sikat ng kabilugan ng buwan. Ang gabing yaon ay isang gabing lipos ng aliw, lipos ng pangarap na nakapagbibigay lugod sa mga hapong bisig sa pagdulang ng mahabang maghapong paggawa.