United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua cun minsan hindi cailan~gang gumaua nang anoman, doon sa quinagat niyong man~ga hayop na yaon, at ang saquit siyang cusang nauauala. Cun baga maraming hayop ang nacacagat, ay sangrahan, ó cunan nang dugó ang may catauan. Gamot sa quinagat nang ahas.

Pagcaraca huhugasa,t, lilinisin ang sugat nang maysaquit nang tubig na malacuco na dinoonan nang asin, n~g macuha ang lauay nang asong nacacagat. Saca painumin tuloy ang maysaquit nang lana ó lan~gis sa castila, ó lan~gis nang niyog na mabaho man, ga calahating taza carami, hangan sa siya,i, sumuca; at cun hindi sungmusuca ay big-yan pa hangan sumuca.

Cun minsan nan~gin~ginig ang boong catauan: cun minsan tila nalulucso ang man~ga laman, ó cungmiquinal ang muc-ha, ó nan~gin~giui ang bibig; ang man~ga paa,t, camay naninigas; ang bibig ay hindi mabuca, ang camay cun minsa,i, quimquim. Mayroon namang ibang maysaquit na cungmiquisay at parating balisa, na hindi mapalagay; pati nang dila cun minsa,i, nacacagat at napuputol.

Pagcaraca mag-iinit ca nang tubig na dinoonan nang caunting asin. Ang sugat ay huhugasan at lilinising magaling na magaling nitong tubig na malacuco na dinoonan nang asin, nang macuha ang lauay nang asong nacacagat.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap