United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Iláng salitaan ang nábuksan at sa isang paguusap n~g ukol sa m~ga bayánbayán ay napasalin~gít ang pagkakakílala na kami'y magkababayan. Iyan man po'y kababayan din natin ang turing n~g anák ng nagampon sa akin at itinuro akó sa mantanda. ¿Ito? ang tanóng na wari'y may muntíng pagkakamangha n~g kinausap at ako'y pinagmasdan tila n~ga naaalala ko ang mukhang itó ¿nagaaral din bang kasama ninyó?
Dátapwa't dumating ang isang araw na kaming dalawang nagaaral ay naanyayahang dumaló sa isang piging sa daang Dulumbayan sa Maynila at doon ay dumaló rin ang isang kasama namin sa Colegio na kaakbáy ang kaniyang amá, na, mula n~g dumatíng ay waring pumasok sa loob kong ang pagmumukháng iyón ay aking naaalala. Inanyayahan kaming kumain at sa paguupuan sa dulang ay nápasiping sa akin ang matanda.
Salita Ng Araw