United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dátapwa't dumating ang isang araw na kaming dalawang nagaaral ay naanyayahang dumaló sa isang piging sa daang Dulumbayan sa Maynila at doon ay dumaló rin ang isang kasama namin sa Colegio na kaakbáy ang kaniyang amá, na, mula n~g dumatíng ay waring pumasok sa loob kong ang pagmumukháng iyón ay aking naaalala. Inanyayahan kaming kumain at sa paguupuan sa dulang ay nápasiping sa akin ang matanda.