United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kay hirap sabikin n~g isang pan~garap! Magtiis ka irog! Darating ang araw na ikaw at ako ay magkakapisan, ang ulap sa ati'y biglang mapaparam at magliliwanag ang Sangkatauhan. Huwag kang man~ganib! Darating sa atin ang isang sandaling batis n~g paggiliw, diyán matataya ang di magmamaliw na aking paglin~gap sa pagkabutihin.
Wala n~g oras na ipagaantay, sapagka't magliliwanág na at ang pari marahil ay nakahanda na rin. ¡Benita! ang sigáw n~g amáng nagagalit at bigláng itinulak ang pintong nakalapat. Nasira ang cerradura at ang dalawáng dahon n~g pinto ay nábukas. Ang lahát ay nagitlá, n~guni't ang pagkamangha ay nagtalo n~g matanaw na waláng tao ang silíd.