United States or Andorra ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pulá n~g labi, ang puti n~g bisig, ang kinis n~g noong wari'y walang hapis, ang lahat n~g samyo sa silong n~g lan~git ay isinangla mo kung ikaw'y umibig. Ang lahat sa iyo'y kulay n~g ligaya, ang lahat sa aki'y n~giti n~g sampaga, kung magkakapisan ang ating pag-asa ay magiging mundong walang bahid dusa.
Kay hirap sabikin n~g isang pan~garap! Magtiis ka irog! Darating ang araw na ikaw at ako ay magkakapisan, ang ulap sa ati'y biglang mapaparam at magliliwanag ang Sangkatauhan. Huwag kang man~ganib! Darating sa atin ang isang sandaling batis n~g paggiliw, diyán matataya ang di magmamaliw na aking paglin~gap sa pagkabutihin.
Salita Ng Araw