United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga malaqui ang lagnat nang maysaquit, ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, ó damidamihan cun baga cailan~gan. Itong ganitong gaua ay totoong igui sa maysaquit at di man matulog siya,i, ay hindi naman ma-aano, baquit macacasama bagcus sa caniya ang pagtulog; at ang isa pang hindi icatutulog niya, ay ang malimit na paglura, na masamang tumahan at mauala.
Uala isamang nalalagnat na tauo na namatay dahil sa gutom: at alin mang nalalagnat, di man pacanin nang anoman sa loob nang ilang lingo, hindi ma-aano, houag lamang maual-an siya nang tubig.
Ang nan~gin~giqui hindi ma-aano, cun macailan lamang lagnatin; datapoua cun nalauon ang pan~giqui, ay totoong sama; at hungmihina ang catauan, nagugulo ang sicmura, at cun minsan yaon ang pinagmumulan nang ictericia, hidropesía, hica, ó nang lagnat na lauon. Ang gamot sa nan~gin~giqui ay ang pinan~gan~ganlang quina, na yao,i, balat nang cahoy.