United States or Kenya ? Vote for the TOP Country of the Week !
"May palagay ako na ang malimit na pagtatanong tungkol sa di ko pagsipot n~g kaibigan naming naghanda ang siyang nakapagulol na lalo sa kainipan at kung anoanong sapantaha n~g aking kapatid. Bakit ay mahigit daw sa tatlong oras na pinamutian siya n~g mata't nagtila kaning nagpakapanghal sa pagaabang sa lunsaran, n~guni't ang kung bakit di ako dumarating ay hindi niya masayod liripin."
Si donya Basilia man nama'y natitilihan din n~g gayon na lamang, sa dahilang hindi niya maubos liripin sa sarili kung ano't itong lalaking sinasabing asawa ni Elsa ay siya pa namang ipinagibang kilos n~g mabait na babaeng kanyang inaanak sa namamalas n~g mestisang iyong dapat sanang masakita't magubos n~g kaya sa paguusig. At si Elsa naman, sa kanyang sarili, ay lalo nang may malaking ipinagiba.