United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang tauo,i, mayroong linon-oc na anomang bagay, na hindi macatuloy sa sicmura, cundi napatahan sa lalamunan, ang maigui ay itulac na pailalim, cun ang nadoroon ay tinapay, carne, gulay, bun~ga nang cahoy, ó botó nang man~ga bun~ga. Cun ang nadoroon ay tinic at nasisilip nang mata, ay mabuti han~guin nang sipit na cauayan.
Cun minsan ang maysaquit ay nahihilim na parati, na dahil doo,i, cailan~gang parapitan sa paa at camay nang bilin sa numero 36, lalo pa cun ang caniyang linon-oc ay ang opio ó ang talampunay na yao,i, catulad nang opio; cun gayon ay cailan~gan namang sangrahan agad ang maysaquit, at gauin doon ang man~ga turo sa párrafo 101, gaya nang sa nagcacasaquit nang apoplegía.
Salita Ng Araw