United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang bayáning bantay ay humikáb nang sunód-sunód; untî-untîng nalitó; untî-untîng umamín kay Antok; untî-untîng nayukáyok... Na siya'y guardia at dahil dito'y di dapat yumukayok? Ay ano naman kun siya'y guardia, sa ang pinag-guguardiahan namán eh, iisa-isa at nakukulóng sa isang kulungan isáng kulúngang bakal ang mga réhas, at nakasusì pa, at ang susì, ay nasa loob ng kanyang bulsá?
Hindi na nga lamang kita maaring magkausap pa disin sana ay maipahiwatig ko sa iyo ang lahat: ang aking kalagayan ay tila ba napakaselan at laging may nakabantay sa akin; parang bilanggo na di makakatakas sa kulungan. Mahigpit na mahigpit sa akin ang mang Alejandro, oh! na kung malalaman mo lamang Eduardo, siya ang dapat hampulan ng sisi ng lahat kong ipinagkaganito sa iyo.
Salita Ng Araw