United States or South Georgia and the South Sandwich Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya ginawi ko na lamang ang ganitong kita'y lihaman, na, ang pagliham ko pang ito ay parang isang napakabuting pagkakataon lamang at nanakaw ko sa maramot na si Panahon. Oo, kung mangyayari lamang kitang magkausap ay mababatid mo ang boong linaw na sanhi ng ipinagkaganito ko. Oo, hindi ako lumilimot sa ating sumpa, mahal ka sa akin, mahal ka sa puso.

Ang panyo'y pamahid sa luhaáng matá n~g lahát at lahát, ang panyó ay piping nakapagbabadya n~g bawa't máhan~gád, ang lahat n~g galáw na inyong makita'y may lihim na sangkap, katugón n~g mithi n~g m~ga ninintang hindi magkáusap; may lihim na uring kalakip ang dusa at maging n~g galák.

Hindi kita naging palad na gaya ng aking pagasa . Ang mga ganitong bagay ay hwag mo ng hihintin ko pang isalaysay sa iyo. Anopa't ikaw na ang bahalang magtanong sa sarili mong gunita kung ano ang kahulugan ng sinabi ko: hindi kita palad at ako naman sa iyo ay gayon din. Nalalaman mo Eduardo, na, ni kahit saglit ay hindi na kita maaaring magkausap pa.

Iyan ang dalagang sinabi ko sa iyo kaninang tayo ay magkausap sa tabi ng dagat. Ah! iyan ba? at kinamayan ang kausap ng boong galak Sadyang may suerte ka kaibigan. Ah, Eduardo ang sambot naman ni Pako sadyang ang ganda lamang ng dalagang yaon ay sukat na. Buhat pa ng unang makita ko siya dito sa Maynila ay lubos na akong humanga sa kanyang pagkamabining kumilos.

Datapwa't nang sila'y magkita't magkausap ay hindi nagpahalata kay Manuel, dahilan sa mga balita niyang natanggap. At kung tunay na siya'y inihabilin na nga sa limot ng binatang minahal sapúl pagkabata, ay handa namang taglayin hanggang sa libingan ang pag ibig na namumugad sa kanyang puso. Si Manuel ay gayon din.

Sa aking pagdidilidili'y naisip kong itanong sa iyo ang kahulugan ng ipinamalas mo sa akin; nguni't aywan kung bakit at hindi ko man lamang naipahiwatig sa iyo nang tayo'y magkausap. At ... ¿naaalaala mo ba ang ating pinagusapan? Panay na kamusmusan; oo, panay na kamusmusan.

Hindi na nga lamang kita maaring magkausap pa disin sana ay maipahiwatig ko sa iyo ang lahat: ang aking kalagayan ay tila ba napakaselan at laging may nakabantay sa akin; parang bilanggo na di makakatakas sa kulungan. Mahigpit na mahigpit sa akin ang mang Alejandro, oh! na kung malalaman mo lamang Eduardo, siya ang dapat hampulan ng sisi ng lahat kong ipinagkaganito sa iyo.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap