United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa Hulo at Mindanaw naman ay iba; iniupo ang bangkay sa isang upuang maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan n~g alkampor na isinisilid sa pamamag-itan n~g isang panghihip na bungbóng na hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay at di natutunaw.

Matapos mapanan~gisan at malapatan n~g gamot na laban sa pagkatunaw ay isinisilid sa kabaong, datapwa't bago isilid ay ginagayakan at nilalagyan n~g m~ga putól-putól na gintô sa bibig at sa m~ga mata . Ang kabaong naman ay buong kahoy na may takip na lapat: anopa't, di masisimuyan n~g han~gin ang loob, at ang tabas at anyô ay parang munting bangka.

Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kundí ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na liwanag; tantó ang lahat na ito, kayá pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuá ninyo babayi; dito sa Europa kung hindí kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ñg masantin na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag lamang ... kami manglulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Dios sa pagpawí ñg ulap, palibhasa'y siya ang Dios ñg katotohanan; at isasaulí sa dati ang dilag ñg babaying tagalog, na walang kakulañgan kundí isang malayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap