United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kundí ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na liwanag; tantó ang lahat na ito, kayá pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuá ninyo babayi; dito sa Europa kung hindí kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ñg masantin na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag lamang ... Dí kami manglulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Dios sa pagpawí ñg ulap, palibhasa'y siya ang Dios ñg katotohanan; at isasaulí sa dati ang dilag ñg babaying tagalog, na walang kakulañgan kundí isang malayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis.
Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sa gutom; ñguní at mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí sa mga frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa yaman, sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito'y pinipigá sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas.
Salita Ng Araw