United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga nacacacaya ang maysaquit, magaling ang siya,i, buman~gon sa hihigang maminsanminsan, sapagca ito,i, nacacabauas nang saquit nang ulo, at ang lagnat ay ungmoonti, at ang isa pa roo,i, madaling umihi, pag nagban~gon ang tauo. Arao-arao papalitan ang damit nang hihigan, at ang sa maysaquit, datapoua,i, houag ihahalili roon ang hindi toyong-toyo.
Datapoua capag naquiquilala ang totoong saquit nang may catauan, at cun anong bagay na cólico ang nacacahirap sa caniya, ay gagamutin para nang turo sa man~ga párrafong ihahalili dito. Ang gamot sa saquit na malaqui nang sicmura,t, tian, na may casamang lagnat na malaqui, na yaon ang tinuturan nang castilang cólico inflamatorio.
Basahin mo ang aquing sinabi sa número 35, na bagay sa balat nang iguio. Nota. Sa saquit na lagnat na sucab, ang tubig sa dita sasamahan nang dalauang cucharang alac sa misa. Hindi casangcapan dito ang tubig sa apog. Nota. Cun mayroong alcanfor ang timbang sangpouong butil na palay noon, ay ihahalili sa gata nang dayap, sapagca maigui pa sa roon. Ang timbang calahati noon ay isang inom.