United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pag-gamot n~ga dito ay para nang sa cólico inflamatorio , párrafo 362. Caya cun bagong-bago ang saquit, at malacas pa ang may catauan; ay sasangrahang agad, at cucunan nang maraming dugo. Susumpiting parati nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, na dinoroonan nang isa ó dalauang tazang lan~gis nang niyog ó lana man. Ang maysaquit ay paliliguan sa malacucong tubig na maquiilan maghapon.
Datapoua capag naquiquilala ang totoong saquit nang may catauan, at cun anong bagay na cólico ang nacacahirap sa caniya, ay gagamutin para nang turo sa man~ga párrafong ihahalili dito. Ang gamot sa saquit na malaqui nang sicmura,t, tian, na may casamang lagnat na malaqui, na yaon ang tinuturan nang castilang cólico inflamatorio.