United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nang makaubos na n~g kung ilang supot n~g confetti sa walang tuos na pakikipagsabuyan sa balana, ay saka lamang nagyayaang masok n~g "Auditorium", yamang malapit na rin namang dumating ang oras natatakda sa coronacion . Walang hulugang karayom ang kapal n~g tao sa loob n~g nasabing "Auditorium" nang magsipasok ang tatlo.

M~ga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang gawa n~g matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; maraming banda n~g musikang nakalipana sa magkabilang panig n~g daang Padre Burgos at Paseo de Magallanes; mula sa may gusali n~g "Intendencia" hanggang "Jardin Botanico", sarisaring watawat n~g di mabilang na kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa kanikanilang m~ga kasapi; mahahabang hanay n~g m~ga "Guias Nacionales" at "Guerrilleros Filipinos" na nakatalatag sa pinagdaanan ni Quezon; m~ga automobil, kalesa, kalesin, at iba't ibang sasakyang nalilimpi sa m~ga gilid n~g lansan~gan; ang malaking langkay n~g m~ga binibining taga "Centro Escolar" na nagalay kay Quezon n~g isang marikit na pangnan n~g m~ga sariwang bulaklak na may kalapating nakasilid ... iyan ang m~ga namalas n~g humahan~gang m~ga mata ni Tirso na sa palibidlibid n~g pook na yao'y siyang nagpapasikip n~g gayon na lamang, at siyang nagpapakilala n~g di masayod na kagalakang naghahari sa madla alangalang sa karan~galan n~g mabunying anak n~g bayang may ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang tinubuan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap