United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !


At, habang hindi naglulubay n~g kasasalita ang babaeng iyon na kahi't pagbawalan ay para ring di nakaririnig, sa isang hiwalay na umpok n~g ilang kataong kabilang sa m~ga nalilimpi sa palibid n~g tinurang babae, ay siya namang pinananayn~gahan ang ganitong pahayag n~g manggagamot na umaaming siyang kasama sa ambulancia nang gabing nagdaan: Dinatnan kong ang babaeng iya'y walang ulirat na nakalugmok sa harap n~g pulis na tumelepono rito kagabi; hindi masabi n~g pulis na iyon ni n~g sinoman sa ilan pa kataong nagmamalas sa kanya, kung siya ay sino at kung saan galing.

Pinulsuhan siya ni De Espadaña, siniyasat ang canyang dila, tinanong siya n~g ilan, at saca nagsalitang iiling iling: ¡I ... ito'y may sakit, n~guni't maaring gumaling! Minasdan ni doña Victorina n~g boong calakhan n~g loob ang m~ga nalilimpi. ¡Liqueng may cahalong gatas sa umaga, jarabe de altea, dalawang pildora n~g sinoglosa! ang ipinag-utos ni De Espadaña.

Ibinabalita na n~gang kasalukuyan n~g m~ga sipul n~g pagawaan n~g yelo n~g pamahalaan at n~g m~ga sasakyang nalilimpi sa palibidlibid n~g ilog Pasig ang maluwalhating pagpasok n~g taong 1916, nang si Elsa at si Tirso ay magkakawit ang m~ga palad na sumasakay sa isang munting bangka na, animo'y maitim na kabaong na lumulutang sa ibabaw n~g mahinhing agos n~g ilog sa may Nagtaha na ang tubig noo'y nakikikulay sa kadiliman.