United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang buhok n~g mestisa ay sinaliksik at ginusot n~g m~ga saboy n~g confetti ; ang m~ga tayn~ga ni Tirso ay nabin~gaw halos sa itinututok na sigaw n~g m~ga tambuli, at sila kapwa, bagaman magkakawit n~g bisig at di naglalayo bahagya man, ay nagbata n~g di gagaanong pagkalukot n~g damit at pagkalupiras halos n~g boong katawan ... Gayon man ay lalo pa silang nagalak, katulad n~g madlang nakasalamuha nila.
At nang makaubos na n~g kung ilang supot n~g confetti sa walang tuos na pakikipagsabuyan sa balana, ay saka lamang nagyayaang masok n~g "Auditorium", yamang malapit na rin namang dumating ang oras natatakda sa coronacion . Walang hulugang karayom ang kapal n~g tao sa loob n~g nasabing "Auditorium" nang magsipasok ang tatlo.
Sa magkabilang bangketa at hanggang sa gitna n~g lansan~gan ay salusalubong ang m~ga nagbibiruan n~g boong tiwala. Naghihiyawang animo'y m~ga kawal na galing sa pinagwagihang digma. May pinatutunog n~g ubos lakas na m~ga pakakak o tambol, lata o anomang bagay na makatutulong sa kaingayan. Naghahagisan n~g confetti hanggang sa man~gapuwing at man~gasamid.
Salita Ng Araw