United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Matrena ay naupo sa isang sulok na nakapangalumbaba at nakapatong ang mga siko sa mga tuhod saka minasdan yaong hindi kilala. Nagdalang habag siya; at nagtaglay siya ng habag sa kaaba-abang yaon. Agad nagalak ang kalooban ng di kilala at pagtataas ng ulo ay tuminging napangiti doon sa abang babae. Pagkatapos ng pagkain ay iniligpit ng asawa ang mga pinggan at nagsabing: Saan ka nanggaling?
Ang buhok n~g mestisa ay sinaliksik at ginusot n~g m~ga saboy n~g confetti ; ang m~ga tayn~ga ni Tirso ay nabin~gaw halos sa itinututok na sigaw n~g m~ga tambuli, at sila kapwa, bagaman magkakawit n~g bisig at di naglalayo bahagya man, ay nagbata n~g di gagaanong pagkalukot n~g damit at pagkalupiras halos n~g boong katawan ... Gayon man ay lalo pa silang nagalak, katulad n~g madlang nakasalamuha nila.