United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !


M~ga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang gawa n~g matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; maraming banda n~g musikang nakalipana sa magkabilang panig n~g daang Padre Burgos at Paseo de Magallanes; mula sa may gusali n~g "Intendencia" hanggang "Jardin Botanico", sarisaring watawat n~g di mabilang na kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa kanikanilang m~ga kasapi; mahahabang hanay n~g m~ga "Guias Nacionales" at "Guerrilleros Filipinos" na nakatalatag sa pinagdaanan ni Quezon; m~ga automobil, kalesa, kalesin, at iba't ibang sasakyang nalilimpi sa m~ga gilid n~g lansan~gan; ang malaking langkay n~g m~ga binibining taga "Centro Escolar" na nagalay kay Quezon n~g isang marikit na pangnan n~g m~ga sariwang bulaklak na may kalapating nakasilid ... iyan ang m~ga namalas n~g humahan~gang m~ga mata ni Tirso na sa palibidlibid n~g pook na yao'y siyang nagpapasikip n~g gayon na lamang, at siyang nagpapakilala n~g di masayod na kagalakang naghahari sa madla alangalang sa karan~galan n~g mabunying anak n~g bayang may ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang tinubuan.

Ang kalesang sinasakyan ni Elsa at ni Tirso na isang de primerang walang taglay na bilang sa likod at hila n~g isang masipag na kastanyong ayaw manding madiktan n~g pamalo sa katawan, ay sinusundan n~g dalawa pang mahahagibis ding kalesa na lumiwa sa tapat n~g gusali n~g "Germinal" at paakyat sa tulay n~g Ayala, nang masalubong n~g isa pa ring kalesang kinalululanan naman n~g dalawang lalaking sa wika ni Cervantes naguusap.

Sa pagkamánunulat si G. Pedro A. Paterno ay napata~gi rin at dahil doón ay ginawaran siyá n~g «Gran Cruz de Isabel la Católica» isá~g tusón na madalí~g tamuhín at nagbúbukás sa may tagláy noón n~g Gusalì n~g dakila~g Harì sa España.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap