United States or Mayotte ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang pastel ay manipis, mumulan ang hiua sa bandang guitna. Ang inihao na baca, ay hihiuain nang pahalang sa lamán, ang tupa ay paayón. Ang man~ga biling ito, ay siya ring susunód sa man~ga guisado. Ang man~ga bun~ga nang cahoy cun i aabót sa iba at uala sa pingan, ay duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang camáy.
Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili. Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa salsero na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.