United States or Burkina Faso ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili. Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa salsero na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.
Sa pabo nama,i, ang unang quinucuha,i, ang buchi, isinusunód ang hita, at saca ang dibdib, na hinihiua nang pahabá. Di ang caraniuang gamit ay ang trinchante. Ang pastel at relleno, ay inaalisán muna náng pinacataquip, quinucuha ang lamán, at ang pastel ó masang nacabalot sa lamán ay hihiuain nang pahabá. Cun ang laman ay ibon, ay ibubucod.