United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili. Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa salsero na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.
Pagcatapos nang sopas, ay casunod ang puchero ó laoya na babahaguinin nang may catungculan. Cailan~gan, na ang magpipiguing ay humanap nang sirvienteng datihan sa ganitong pagcain, sapagca,t, cun di matuto ang naglilincód sa dulang, ay mahihiya ang may piguing.