United States or Colombia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun darampót nang vaso nang tubig, ay tingnan muna cun malinis ang daliri, at nang di marumhan ang hahauacan; houag isusubo ang daliri sa loob, sapagca,t, cun maquita nang maselang matá, may mandidiri. Sa pag inóm, cun mangyayari ay gamitin ang dalauang camáy, ang man~ga daliri ay sa dacong puno, houag ipapatong sa labi nang vaso ó saro at nang di casuclamán.
Cung lungmingsad ang liig nang tauo, ay mamamatay pagcaraca, cundi gamuting madali; caya ang gagauin doo,i, pahihigain nang patihaya sa sahig, at ang mangagamot ay lulucloc doon din sa sahig sa ulunan nang maysaquit; saca hahauacan nang caniyang dalauang camay ang ulo nang maysaquit, at pagcaraca caniyang babataquin, at pipihitin nang caunti nang mangyaring tumama sa datihang quinasusuutan.
Cun ang pastel ay manipis, mumulan ang hiua sa bandang guitna. Ang inihao na baca, ay hihiuain nang pahalang sa lamán, ang tupa ay paayón. Ang man~ga biling ito, ay siya ring susunód sa man~ga guisado. Ang man~ga bun~ga nang cahoy cun i aabót sa iba at uala sa pingan, ay duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang camáy.